LightNovesOnl.com

She Maybe The Wrong Girl 10 Chapter Nine

She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com

You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.

Amarillo's P.O.V.

Unang pagkakita ko pa lang sa aking mahal na si Floresca sa aking panaginip, nabighani na agad ako sa kanya. Ngunit, may sinisinta na akong iba, isang taglupa - Si Freya.

Madalas ko pinupuntahan ang tirahan ni Freya. Tinatanaw ko siya sa malayo. Maganda siya. Makinis ang kanyang balat. At iniisip ko, siya ang dadalhin ko sa aming kaharian para aking mapangasawa.

Nagpangap ako bilang tao at kinaibigan ko siya. Binibigyan ko siya ng mamahaling regalo bilang panunuyo ko sa kanya na sumama sa akin sa aming kaharian. Nang nadiskubre ito ng aking ama, siya ay nagalit. Sabi niya, hindi raw karapat-dapat ang taglupa na aking makipag-isang dibdib. Sapagkat nakatakda na akong maipakasal sa isang Dalaketnon na kaisisang anak ni Konde Almandite.

Kinonsulta ko muna ang Dakilang Saserdote na si Demetria bago ako magpasya na pumayag sa kagustuhan ng aking ama. At sinabihan niya ako tungkol sa kanyang propesiya na kami ni Floresca na magdadala na kapayapaan at kasaganahan sa kaharian. Sapagkat, pinagkatiwala sa amin ni Bathala ang balanse ng kaharian. Si Floresca ay aking kabiyak sapagkat siya lamang ang bukod tanging Dalaketnon na papawi sa aking kalungkutan. Na siyang magbibigay sa akin ng saya. At siya rin na magdudulot sa akin ng kabiguan at kamatayan.

Nabahala ako sa propesiya na iyon. Kung siya ay aking tinakda na pakakasalan, bakit pa ako makakaramdam ng kabiguan. At bakit pa ako kailangan mamatay.

Gamit ng mahika ni Demetria, nagtagpo kami ni Floresca sa panaginip. At isa siyang simpleng dalaga na taglupa. Habang nakikipagsayaw ako sa kanya sa aking panaginip, kinikuwentuhan niya ako tungkol sa kanyang buhay sa kabilang daigdig. Naaliw ako kapag siya ay nagkukuwento. Pero, matalino si Floresca. Batid niya na iba ako sa kanya. Dahil hindi pa siya ganap na encanto, hindi siya pumapayag na k.u.main ng anu mang hinain ko para sa kanya.

Doon na ako nainip. At sabi ko, pupunta ako sa kabilang daigdig at magpapangap na taglupa. Saka ko siya susuyuin para sumama sa akin. At sa pagkakataon na kami nagkasama, nakita ko na napakabuti ang kanyang puso. Nararapat lang na siya ang maging reyna ng kaharian. Nararapat na siya maging katuw.a.n.g ko sa pamumuno.

Ngayon, kasama ko na siya dito sa kaharian. Halos binuwis na niya ang kanyang buhay para sa akin at sa buong kaharian nang ginamit niya ng lubos ang kanyang kapangyarihan na maisaayos ang balanse.

Hangang ngayon, hindi pa siya nagigising sa pagkakatulog. Mahinang-mahina pa rin ang katawan niya. Sabi ng mga diwata, painumin lang daw namin siya ng mga katas ng rosas para siya ay gumaling. tatlong araw na pero hindi pa rin siya nagigising.

Minsan kinuwento sa akin ni Floresca ang tungkol sa mga alamat na nababasa niya sa mga aklat nung bata pa siya. Para magising daw ang prinsesa mula sa kanyang mahabang pagkakatulog, dapat halikan siya ng isang bukod tanging prinsipe na nagmamahal sa kanya ng tunay.


Ako ba yung prinsipe na tinutukoy sa aklat. Bakit hindi natin subukan kung ako nga?

Nilalapit ko ang aking mga labi habang siya natutulog. At nagtagpo aming mga labi. Hinalikan ko siya ng matagal pero nang ako ay tumigil, napansin ko hindi pa rin siya nagigising. Isang malaking kasinungalingan! Ano ibig sabihin ito? Hindi ako pang nararapat na prinsipe para sa kanya. Isa itong malaking kabiguan.

Ngunit nang ako ay tumayo para lisanin ang kanyang silid - tulugan, naririnig ko na siya ay umuungol. Tinatawag niya ang kanyang ina. Gising na siya. Tama ang sinabi sa mga aklat. Kami nga talaga ang tinadhana.

Dali akong lumapit para siya tingnan. Sa pagmulat niya ng mga mata, nasilayan niya ako, "Sino ka? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Ako ay nabigla dahil nakita na niya ang tunay kong anyo.

Dagdag pa niya, "Ano yang mga pulang marka na nasa mukha at braso mo? Tattoo ba yan? Ang pangit! Anong pangalan mo?"

Bakit tila wala siyang naalala? Papatawag ko sana ang mga mangagamot, pero natigilan ako nang sinabi niya, "Nagugutom ako. Meron bang makakain."

At ako nasiyahan, dahil pinagkatiwalaan niya ako na bigyan siya ng makakain. Iniisip ko na maaari ko siyang linlangin ng maging kaisa sa amin kapag k.u.main siya ng itim na butil.

Binigyan ko siya ng makakain. At habang siya k.u.makain, pinuri niya ito, "Ang galing ng kusinero niyo magluto. Ang sarap. Pero, teka! Bakit itim ang kanin niyo? Meron naman red rice o brown rice? Bakit mahilig kayo sa itim na kanin?"

Hindi pa rin siya nagbabago. Makulit pa rin siya.

At napansin ko, unti-unti na rin nagbabago ang katawan niya. Nagkakaron siya ng mga mga pulang marka katulad sa amin. At nagiba na rin ang hitsura niya. Naging katulad na rin namin siya. Ngunit, hindi niya ito nagustuhan, "Ano itong nangyayari sa akin? Bakit ganito ang hitsura ko? Sino ka ba talaga? Nasaan ako? Panaginip ba ito?"

Sinabihan ko, "Huminahon ka. Nandito ka sa kaharian ko. At ito ang iyong silid - tulugan. Nandito ka sa iyong kastilyo. Ikaw si Floresca, ang anak ni Konde Almandite. Ikaw ang aking pakakasalan. Isa kang Dalaketnon katulad naming lahat na nakatira sa mundong ito."

"Ikaw ang pakakasalan ko? Ikaw ba ang aking irog?" taka niya.

Ngunit, bakit nagiba ang kanyang pana.n.a.lita. At bakit biglang wala siyang naalala sa kanyang nakaraan.

"Ako si Floresca? Ang anak ni Konde Almandite? Wala akong naalala. Pero, napakaguwapo mo? Ikaw ay isang prinsipe? Ano ang iyong pangalan?" tanong niya.

"Amarillo. Ako si Amarillo." sagot ko.

Hinalikan niya bigla ang aking mga labi. At hinalikan ko rin siya.

"Teka, anong nangyayari sa iyo? Bakit nagkakaganyan ka?" gulat ko.

"Hindi ba sabi mo, ako ang iyong pakakasalan? Hinalikan kita dahil iyon ang nararapat. Dahil iyon ang ginagawa ng isang kabiyak." sagot niya.

"Ngunit..." sabi ko pero natigilan ako magsalita nang hinalikan niya ako muli.

Tinigilan ko siya. At nagmadali akong lumabas ng kuwarto.

"Amarillo? Saan ka pupunta?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Pero, hindi ko gusto ang kanyang pagbabago. Hindi na siya ang dating Floresca na nakilala ko na isang mabait at inosenteng nilalang na siyang tinitibok ng aking puso.

...

Click Like and comment to support us!

RECENTLY UPDATED NOVELS

About She Maybe The Wrong Girl 10 Chapter Nine novel

You're reading She Maybe The Wrong Girl by Author(s): ukcphl. This novel has been translated and updated at LightNovelsOnl.com and has already 617 views. And it would be great if you choose to read and follow your favorite novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest novels, a novel list updates everyday and free. LightNovelsOnl.com is a very smart website for reading novels online, friendly on mobile. If you have any questions, please do not hesitate to contact us at [email protected] or just simply leave your comment so we'll know how to make you happy.