She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com
You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.
Malakas ang pagbuhos ng ulan at k.u.mukulog ang kalangitan habang b.u.mibiyahe si Lumen patungo sa tirahan ng mga Dela Rama sa Quezon City. Pero, may nararamdaman din alinlangan si Lumen sa kalagayan ni Lynn dahil naiwala nito ang kanyang kwintas na magproprotekta sa kanya sa masasamang encanto.
Nang nakarating na ito sa tirahan ng mga Dela Rama, tiningnan niya ang kalagayan ni Marcux. Nabahala siya dahil pasama ng pasama ang kalagayan nito . Namamaga ang mga butlig niya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ang ang ibang butlig naman ay nagkakaroon ng mga sugat. At hindi pa rin b.u.mababa ang kanyang lagnat.
"Anong sumpa kaya ito?" sabi ni Lumen.
Samantala, sa kaharian naman ng mga Dalaketnon. Parang may delubyo na lumalaganap. Nakaroon ng malakas na lindol. b.u.mabsak ang mga tulay. Nagiba rin ang mga kastilyo. Lalong nabahala si Haring Mossainite, "Hindi maari. Nawasak ang balanse. Paano nangyari?"
"Nandidito si Floresca! Ang aking anak!" sabi ni Konde Almandite.
Unti-unti na rin nagigiba ang palasyo.
Nagalala rin si Lynn sa nasaksihan niya.
"Ano itong nangyayari?" sabi niya.
Paliwanag ni Marx habang paunti-unti na rin siyang nanghihina, "Tama na yang satsat mo. Kailangan kitang mailayo dito. Mawawasak na itong kaharian. Kailangan kitang mailigtas."
At tumakbo sila palabas ng palasyo, at biglang natigilan sila nang sumama ang pakiramdam ni Marx at siya ay biglang b.u.magsak sa lupa. Nahihirapan na siyang huminga at sinabihan niya si Lynn, "Derecho mo lang ang daan na ito. Pumunta ka sa ilog. Doon ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Kalimutan mo na ako at ang daigdig na ito."
Naaawa si Lynn sa kalagayan ni Marx. Hindi niya gustong iwan ito.
"Sasamahan kita. Tutal, masisira na rin ang mundong ito. Samsama na rin tayong mamamatay. Ayaw kitang iwan. Mahal kita, Marx. Ikaw ang prinsipe ko." sabi niya.
"Makikipagisang dibdib ka na sa akin?" natuwa si Marx.
"Hawakin mo ang kamay ko. Lalabanin natin ang delubyong ito." sabi niya nang hinawakan niya ang kanang kamay ni Marx.
At gamit ang nat.i.tira pang kapangyarihan nila, binalik nila sa dati ang balanse. b.u.malik din sa normal ang lahat na parang walang sakuna na nangyari. b.u.malik sa ayos ang mga nasirang tulay at kastilyo. Gayun din ay naging maayos na rin ang pundasyon ng palasyo.
Ngunit, nanghina naman si Lynn. Samantalang, b.u.malik ang kalakasan ni Marx. At nahimatay si Lynn dahil lubos na ang pag-gamit niya ng kanyang kapangyarihan.
Kinarga ni Marx si Lynn papasok sa palasyo para sa ganun maasikaso siya at maigamot ng dakilang saserdote.
Pinakiusapan ni Marx ang ama niya, "Pumapayag na si Floresca na pakasalan ako. Tangalin niyo na yung sumpa niyo sa kaibigan ko."
At inutos na rin ng ama niyang hari sa saserdote na tangalin ang sumpa kay Marcux.
***************
Sa mundo naman ng mga tao, tumigil na rin ang malakas na bagyo. At napansin na rin habang pinupunasan ni Lumen si Marcux gamit ang mga pinakuluang halamang gamot, nawawala na rin ang mga butlig niya sa katawan. Naging makinis na muli ang kanyang balat. At b.u.maba na rin kanyang lagnat.
Nagising na rin si Marcux, tinawag niya ang kanyang mga magulang, "Ma, Pa, magaling na ako. Wala na akong sakit!"
At nagalala si Lumen. Napahagulgol din siya, "Diyos ko po! Lynn, anak! Paalam. Sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon."
Dahil batid niya wala na sa mundo ng mga tao si Lynn. Sumama na ito sa kapwa niyang encanto.
...