She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com
You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.
Dumaan ang tatlong buwan, b.u.malik na rin ang alaala ni Lynn nang pinainom sa kanya ng mga mangagamot ang katas ng hasmin. At batid na niya na hindi na siya tao sapagkat nakain na niya ang itim na butil at naging kaisa na siya ng mga Dalaketnon.
Nakatira siya sa kastilyo na tinitirahan din ng kanyang ama na konde. At natatamasa niya ang ang karangyaan ng isang dugong bughaw. Pero, namimiss rin niya ang buhay sa daigdig ng mga tao.
Kaya nang minsan dinalaw niya ang kanyang Tiya Lumen, nagulat ito sa kanyang hitsura.
"Lynn, ikaw na ba yan? Bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit mo ninais sumama sa kanila?" sabi nito.
"t.i.ta, alam kong naisip niyo na mali ang desisyon ko. Pero, ito na ang naging kapalaran ko. Wala na tayong magagawa. Tangapin niyo ang mga gintong alahas na handog ko bilang pasasalamat." sabi niya.
"Naku, Lynn. Di ko matatangap ang mga ito. Tama na dinalaw mo ako dito sa aking bahay para tingnan ang kalagayan ko." sabi naman ni Lumen.
"Sino po ang magaalaga sa inyo ngayon? Gusto niyo po ba sumama sa akin sa aming kaharian. Para doon, maging mas mabuti ang kalagayan niyo. " alok ni Lynn.
"Naku! Huwag na. Hindi ako bagay doon. At itong bahay na ito, ibebenta ko na. Uuwi na ako ng probinsya. t.i.tira ako sa kamag-anak natin. Maalagaan din nila ako doon." sagot naman ni Lumen.
Niyakap ni Lynn si Lumen, "Sa muli nating pagkikita."
"Salamat, anak! Lagi kang magiingat." sabi rin ni Lumen.
At biglang naglaho na si Lynn na parang bula. Naglaho na rin ang mga gintong alahas na nakalagay sa mesa.
Pagbalik ni Lynn sa kastilyo, nabatid ng kanyang ama na pumunta siya sa daigdig ng mga tao para dalawin ang kanyang Tiya Lumen.
Sabi ng kanyang ama, "May pagt.i.tipon mamaya sa palasyo. Ihahayag na ng mahal na hari ang pagpapakasal niyo ni Prinsipe Amarillo. Maghanda ka. Magsuot ka ng napakagandang bestida para mas kaakit-akit ka sa paningin ni Prinsipe Amarillo."
"Hindi na po kailangan. Simpleng bestida na lang susuotin ko. Kahit ano naman mangyari, pakakasalan pa rin niya ako dahil ako ay kanyang mahal. At isa pa, iyon naman talaga ang nakatakda." sagot naman ni Lynn.
"Alam kong pumunta ka sa daigdig ng mga tao na walang pasabi. Ito ang sasabihin ko sa iyo. Simula ngayong araw na ito, hindi ka na lalabas ng kastilyo na hindi ako kasama. Hindi na kita papayagan pa pumunta sa daigdig ng mga tao para dalawin pa kung sino doon." utos ng kanyang ama.
Nalungkot si Lynn. Pumasok siya sa kanyang kuwarto at doon na lang binuhos ang kanyang kapighatian.
"Marcux? Kung nasaan ka man, gusto ko maging masaya ka. Gusto ko, makakilala ka ng isang mabuting babae na magiging katuw.a.n.g mo sa buhay at magiging masaya ang inyong pagsasama." sambit ng kanyang basbas para sa isang taglupa na minahal din niya.
Samantala, sa daigdig ng mga tao, simula ng gumaling si Marcux galing sa sumpa na karamdaman na pinatong sa kanya ng mga Dalaketnon, naging malungkutin na siya. Nalaman niya kay Lumen na sadyang sumama si Lynn isang Dalaketnon sa kanilang daigdig. Hindi niya batid na ang dalaketnon na iyon ay walang iba kundi si Marcx.
Nagtataka siya, kung bakit hindi niya nakikita sa school si Marx, nilapitan niya si Freya para tanungin ito.
"Freya, bakit napapansin ko na hindi pumapasok ng school itong si Marx?"
Taka naman ni Freya, "Sinong Marx?"
"Yung manliligaw mo? Yung anak ng board member ng university, si Marx Phoenix Amarillo?" duda rin ni Marcux.
"Wala akong kakilalang Marx Phoenix Amarillo?" sagot naman ni Freya.
"Yung nagbibigay sa iyo ng mamahaling gamit." dagdag pa ni Marcux para mabatid niya kung natatandaan pa niya si Marx.
"Mga mamahaling gamit? Alin doon? Ang mga alahas? iPhone at Tablet? Paano mo nalaman ang tungkol doon?" gulat ni Freya.
"Kasi nga kalat nga sa buong school na naging kayo ni Marx. Porket break na kayo, hindi mo na siya natatandaan." biro pa ni Marcux.
Narinig ni s.h.i.+ela ang pinaguusapan nila, kaya nakisali na rin, "Ang alin, Freya? Yung kinuwento mo na natangap mong mga gamit na naging buhangin pagkagising mo?"
Nagulat din ni Marcux sa narinig niya kay s.h.i.+ela, "Teka, paano naging buhangin ang mga iyon?"
Hinila ni Freya si Marcux sa tabi at doon sila nagusap.
Sabi ni Freya, "Hindi tao si Marx. Isa siyang encanto. Siya yung manliligaw ko na encanto. Nagulat nga ako na nagpangap siya na bilang tao at nakakasama natin siya. Pero, ayaw ko pa rin sumama sa kanya nang nalaman ko sa lola ko na hindi siya katulad sa atin."
"Oh, sheeeeet!" gulat ni Marcux na medyo napalakas yata ang boses.
"Huwag kang masyadong maingay. Nalaman ko rin sa iba, na sinumpa ka raw ng encanto. At malamang si Marx ang may kagagawan n'un kasi nililigawan mo rin si Lynn. Type niya yung girl na iyon. Teka, nasaan yung kaibigan mo? Bakit hindi ko rin nakikita?" sabi ni Freya.
"Huh? Uhm... umuwi na sa kamag-anak niya sa kanila. Hindi na dito mag-aaral." kaila ni Marcux. Ayaw niya ipabatid sa ibang tao na encantao si Lynn.
...