She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com
You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.
Ibang klase talaga kapag ganito ang feeling. Yung tipong inaalagaan ka na parang prinsesa. Yung inaasikaso ka ng pinakaguwapong prinsipe na nakilala ko.
At mabuti na lang, nagkaayos na kami. Tapos, heto... sinamahan pa niya ako sa clinic para gamutin ang mga sugat ko gawa ng lintek na uwak na yan.
Sabi ng nurse, "Miss, minsan mag-iingat ka ha. Minsan ang mga ibon, nagdadala rin ng sakit iyan."
Nagpasalamat naman ako, "Thank you po talaga ha."
Dagdag pa ng nurse, "Mabuti nga, sinamahan ka pa ni Marx. Alam mo, crush ng bayan yang si Marx? Pero, ingat ka! Babaero din yan."
Natawa naman ako, "Hindi po ako nililigawan ni Marx. Magkaklase lang po talaga kami. Sinamahan lang niya ako kasi siya yung nakakita nung inatake ako ng ibon kanina."
Natuwa naman yung nurse sa kinuwento ko, pero iniinsist pa rin niya, "Pero, bagay kayo. Wish ko, sana kayo magkatuluyan!"
At pagkatapos gamutin ng nurse ang mga sugat ko, lumabas ako at pinuntahan ko si Marx para siya pasalamatan.
Sabi ko, "Thanks ha. Nagabala ka pa."
"Walang anuman. Basta, ikaw! At may ibibigay pala ako sa iyo." sabi niya.
Umupo muna kami sa bench na malapit sa clinic. Saka niya binigay sa akin ang napakaganda at mamahaling kuwintas na may crystal pendant.
"Naku, Marx. Napakamahal nito. Hindi ko ito kailangan. Tama na yung sinamahan mo ako sa clinic." tangi ko.
"No. I insist. Para naman may kapalit sa kuwintas mo na nawala kanina." sabi pa niya.
"It's ok. Hindi ko kailangan ng mamahaling kuwintas. At wala ng maipapalit pa doon. Di bale na nawala iyon. At wala na rin tayo magagawa pa doon." paliwanag ko naman.
"Ibang klase ka talaga. Ikaw na itong binibigyan ng regalo. Ok. Simula ngayon, para hindi ka na matakot sa mga sumusunod o k.u.mikidnap man sa iyo, ako na lang tatayong body guard mo. Kung gusto mo, 24/7 pa nga." prisinta pa niya.
"Naku! Nakakaabala naman sa iyo. Huwag na. At baka may magalit na ibang...alam mo na? Yung girlfriend mo, at iisipin niya na inaagaw kita sa kanya." sabi ko naman.
"Wala akong girlfriend. Kakabreak-up lang namin. Kasi hindi siya gusto ng parents ko. Hindi daw siya makakatulong sa family business namin. Siya yung tinutukoy kong si Freya. Yung leader ng sosyal na sorority dito sa university. Nagaway kami kanina. Nakipag-break ako. Kaya nakita mo akong mainit ang ulo ko nung nagkasalubong tayo. At kaya feeling mo, nasungitan kita kanina." rason niya.
"Naku! Actually, hindi ko feeling na nasungitan mo ako. Dahil nasungitan mo talaga ako. Pero, past is past. Tapos na ang issue. Pero, matanong ko lang, hindi ba, mayaman naman itong si Freya, bakit hindi kayo puwede? Dahil ba may ugali siya na ayaw ng parents mo?" curious naman ako.
"Hindi talaga kami puwede sa isa't isa. Maintindihan mo rin iyon kapag naexplain ko sa iyo sa takdang panahon. Sa ngayon, intindihin mo yung next cla.s.s mo. Malelate ka na. Gusto mo, samahan kita?" sabi naman niya.
Ooops! Naalala ko nga pala...
"Sige. Sure. Saan bang room iyon? Sa kabilang building ba?" tanong ko.
"Sige, ituturo ko sa iyo!" sabi niya at ngumiti pa siya sa akin.
Wow! He is such a gentleman pala. Akala ko, suplado at matapobre. May plus pogi points siya sa akin!
...