LightNovesOnl.com

She Maybe The Wrong Girl 5 Chapter Four

She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com

You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.

Marcux's P.O.V.

Ano ba naman itong si Lynn. Ang tanda - tanda na, hindi pa rin nagbabago. Kita mo nga naman, kanina pang talak ng talak. Naiirita na nga si Mrs. Demetria sa kanya. Mukhang matutuloy yata ang pag-expel sa kanya sa pinakikita niyang asal na ganyan.

Ang drama naman ni Lynn, "Ang hirap kasi sa inyong mayayaman, ang matatapobre niyo. Maliit lang ang tingin niyo sa aming mahihirap. Dahil sa kabastusan ng ginawa nitong k.u.mag na ito, baka hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin. Baka tadyakan ko pa siya! Hindi puwede sa akin yung ugali ng ganyan!"

Sabi naman ni Mrs. Demetria, "Tapos ka na, Ms. Floresca?"

At natigilan si Lynn, "Yes, ma'am."

Tumingin si Mrs. Demetria kay Marx, "Tell me what really happened?"

"Naguusap lang kami ni Dela Rama. Tapos, sumabat po siya sa usapan at tinarayan po ako. Siyempre, nagsungit din ako ng kaunte, at nasaktan ko yata ego niya kaya sinampal ako. Magsosorry sana ako pero biglang dumating si Professor Dimatungan." paliwanag ni Marx.

At umentra naman si Taray Queen, naku girlalu! Huwag ka naman ganyan!

"Ay, hindi ganun ang nangyari? Actually, ang yabang mo pa nga kanina. Tapos, nung nagkita tayo sa hagdanan at nagkabunguan tayo, sinungitan mo pa ako. Ako nga itong magsosorry eh."

Nagulat naman si Marx, "Oh, sheeet! Ikaw ba yun, Miss. Sorry, hindi kita namukhaan. I am sorry for what happened. Hindi ko talaga sinasadya. At saka, nagmamadali talaga ako kanina. May inaasikaso ako. It's just a mistake. O sya, ano? Bati na ba tayo?"

Hindi nakaimik itong si Lynn.

At tinanong siya ng marahan ni Mrs. Demetria, "Ms. Floresca, he is asking your forgiveness. Bati na raw ba kayo?"

Sabi naman ni Lynn kay Marx, "Huh? Oo... I mean, sorry na rin sa naging att.i.tude ko sa iyo kanina. Hindi na mauulit."

"Sa wakas! Nagkaayos din kayong dalawa! Alam mo, Ms. Floresca, kaya ka pinapguidance sa att.i.tude mo kanina ay para maliwanagan ka rin sa issue mo. At isa pa, you should be open minded. College ka na. Hindi ka na bata. And, in fact, muntik ka na talaga mexpel kasi ang father ni Mr. Amarillo ay yung nag-sponsor sa scholars.h.i.+p mo."

"Ano po? Sorry po talaga. Hindi ko sinasadya!" gulat ni Lynn.

"It's ok. It has been settled. So, next time. Hindi na dapat ito mauulit. At saka, teka, kanina pa ako naaalibadbaran sa kuwintas mong yan. Hindi bagay sa outfit mo. Mukhang makaluma? Saang souvenir shop mo binili yan?" sabi ni Mrs. Demetria.

"Bigay po ng auntie ko sa akin. Pero, hindi ko po puwede hubarin. Parang lucky charm ko na kasi ito." paliwanag naman ni Lynn.

"Kita mo nga naman ang mga tao. Naniniwala pa sa makalumang panahon. Hubarin mo yan. And, give it to me. And, don't worry. Hindi ko itatapon." utos ni Mrs. Demetria.

Nagulat naman ako sa inutos ni Mrs. Demetria. Kasi sa pagkakaalam ko, yun lang ang tanging proteksyon ni Lynn laban sa mga taong gustong k.u.muha sa kanya.


"Naku po, magagalit po ang auntie ko sa akin." pakiusap naman ni Lynn.

Kaya, umentra na rin ako, "Ma'am, mali naman po yata yan. At isa pa, irespeto niyo na lang po ang paniniwala ni Lynn."

"Teka, Mr. Dela Rama, bakit ka nakikialam dito?" sa akin naman naibuhos ang pagkairita niya.

Sumabat din si Marx, "Mrs. Demetria, please, let her be. This is not the right timing."

Natigilan si Mrs. Demetria nang kinausap siya ng mahinahon ni Marx. At parang ang mata nila na naguusap na meron silang pagkakaunawaan tungkol sa tinutukoy na kuwintas ni Lynn. Doon na kami nagdududa ni Lynn.

Nagtanong si Lynn, "Ma'am, since settled na po ang issue, baka puwede na po kaming tatlo umalis? Baka, mahuli na po kami sa next cla.s.s namin."

Sagot naman ni Mrs. Demetria, "Ok. Go ahead."

At lumabas na kaming tatlo sa guidance office. Nauna na itong si Marx para sa next cla.s.s niya. Nagpahuli naman kami ni Lynn, at nagtungo kami sa canteen para sa nat.i.tira pa naming oras na free time. Same schedule kasi kami. Mabuti na lang!

"Duda ako kay Mrs. Demetria. Parang kakaiba siya. " sabi ko kay Lynn.

"Ano ka ba? Makmodernong pamamaraan lang itong si Mrs. Demetria. Kung hindi ko lang lucky charm ang baduy na necklace na ito, matagal ko na itong hinubad." sagot naman ni Lynn.

Gulat naman ako. Talagang, dalaga na nga siya!

At hindi namin akalain may isang uwak na mabilis na lumapit sa amin at inatake si Lynn at kinuha sa kanya ang kuwintas na magpoprotekta sa kanya. Ang scenario na ito ay parang nasa cla.s.sic horror film.

"Marcux, ang kuwintas ko, kinuha ng uwak. Bakit nagkaroon ng uwak dito?" gulat ni Lynn.

Lumapit sa amin si Marx, "Ok lang ba kayo? Nasaktan ba kayo?"

At naku po! Pagtingin ko kay Lynn, marami siyang mga sugat dahil sa pagsalakay ng uwak sa kanya.

Sabi ko kay Lynn, "Kailangan maidala kita sa clinic."

Nagprisinta naman itong si Marx, "Lynn, I will bring you to the clinic. Please, let me."

At pumayag naman si Lynn na samahan siya ni Marx.

Wow! Ano ito? Ang labo! Iniwan ako nila mag-isa!

...

Click Like and comment to support us!

RECENTLY UPDATED NOVELS

About She Maybe The Wrong Girl 5 Chapter Four novel

You're reading She Maybe The Wrong Girl by Author(s): ukcphl. This novel has been translated and updated at LightNovelsOnl.com and has already 657 views. And it would be great if you choose to read and follow your favorite novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest novels, a novel list updates everyday and free. LightNovelsOnl.com is a very smart website for reading novels online, friendly on mobile. If you have any questions, please do not hesitate to contact us at [email protected] or just simply leave your comment so we'll know how to make you happy.