She Maybe The Wrong Girl - LightNovelsOnl.com
You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.
********Flashback********
Nung hapon na umuwi sa bahay sina Tiya Doris at Avelina, agad naman tinawag ni Doris ang kapatid niyang si Lumen na taga Marikina.
Sabi ni Lumen, "Naku? Hindi ako sanay na mag-alaga ng bata. Eh, bakit mo sa akin ipapasa yan?"
Pakiusap naman ni Doris, "Lumen, para mo ng awa? May mga masasamang tao gusto k.u.muha kay Lynn. Alam mo naman ang sitwasyon, hindi ba? Na hindi pangkaraniw.a.n.g bata itong si Lynn. Kanina nga, muntik na siyang mapahamak."
Buntung-hininga naman ni Lumen, "Diyos ko po! Pinasoot mo na ba sa kanya ang kuwintas na minana mo pa sa Inang? Kailangan niya iyon. Pero, paano naman kayong mag-anak diyan kung pagdiskitahan kayo ng mga gustong k.u.muha sa kanya?"
"Bahala na! Ang mas importante ay maligtas ang bata sa anu mang panganib. At ikaw naman ang nakamana sa kakayahan ni Inang. Pero, naisip mo na rin na lumayo at maging isang Accountant na lamang." sabi ni Doris.
At bilin ni Lumen, "O sige, pupunta ako diyan, ngayon din. Bibiyahe na ako. Ang bilin ko sa iyo ha, huwag kayo basta magpapapasok ng tao pagpatak ng alas - sais ng gabi."
Sagot agad ni Doris, "Oo, masusunod. Naku, yun pa naman ang oras na iyon na gumagala ang mga nilalang na iyon."
At pagkatapos nila magusap sa telepono, saka lumapit si Lynn kay Doris at sinabing, "Tiya, nakahanda na yung Maleta ko. Talaga bang t.i.tira ako kay Tiya Lumen sa Marikina? Hindi ba, matandang dalaga at masungit po iyon. At ayaw niya po sa mga bata. Baka ano pang gawin niya sa akin?"
"Naku? Masungit at istrikta lang ang Tiya Lumen mo. Pero, mabait iyon. At k.u.mbinsido ako na proprotektahan ka niya laban sa mga gustong k.u.muha sa iyo." sabi ni naman ni Doris.
Niyakap ni Lynn si Doris, "Mamimiss ko po kayo. Magiingat po kayo lagi. Maraming salamat po sa pagaalaga niyo sa akin buhat nang namatay si Inay."
"Anak, wala kang aalahanin sa amin na Tiyo Juan mo. At magiging mabuti ang kalagayan naming lahat dito." sabi ni Doris na medyo napaiyak din siya dahil namimiss niya yung bata.
At mga alas-singko ng hapon, nakarating na si Lumen sa bahay ni Doris, tinanong niya si Doris "Siya na ba si Lynn na tinutukoy mo na anak ni Isabelle?"
Tumango si Doris, "Oo. Pitung taong gulang na siya ngayon."
Natuwa naman si Lumen, "Napakagandang bata. Manang-mana sa bunso nating kapatid nung nabubuhay pa siya. Payakap nga, anak!"
Yumakap naman si Lynn kay Lumen.
"O sya! mauna na kami. Mukhang gagabihin kami sa daan. Ikaw na bahala sa pamilya mo, Doris. Ang bilin ko sa iyo. Huwag mong kakalimutan." paalam ni Lumen.
Nang nakaalis na sina Lumen at Lynn, saka na naghanda ng panghapunan itong si Doris.
At mga alas siyete ng gabi, nang nakauwi na si Juan, ang kanyang asawa, sabay - sabay na rin sila k.u.main ng hapunan.
At biglang may nag-door bell, sabi "k.u.mpareng Juan, si Berting ito. May dala akong lambanog galing Batangas. Dinala ng pinsan ko. Pagsaluhan natin."
Gulat naman ni Juan, "Naku! Si Berting! May dalang lambanog."
At pinagbuksan niya ng pinto. Pero, pagtingin niya, wala namang tao. Taka niya, "Asan si Berting?"
"ITAY!" hiyaw ng bunso niyang anak na si Inigo.
At nakita nila ang apat na nakaposturang mama na nakaputi na biglang lumitaw sa kanilang likuran kung saan sila nakatayo.
Tinanong sila ng mama na nakshades, "Saan niyo dinala si Floresca?"
Sumagot ng pabalang si Doris, "Hindi namin alam ang sinasabi niyo. Walang Floresca na nakatira dito."
"Kasinungalingan! Saan niyo dinala ang anak ko!" galit ng isang mama na naka postura pero kulay abo naman ang suot niya at naka - sumbrero pa.
"Sino ka?" tanong ni Juan.
"Ako si Conde Almandite. Ang ama ni Floresca. Ibigay niyo sa akin ang anak ko!" mariin na sagot nito.
"Wala dito ang tinutukoy niyong Floresca. Hindi namin siya kilala. Maari bang umalis na kayo dito! Ipapatawag namin kayo ng mga pulis!" mariin din sabi ni Juan.
Sa galit ni Conde Almandite, sinakal niya si Juan. At gamit ang kapangyarihan na magkontrol ng apoy, sinunog niya si Juan at ang buong kabahayan nila.
Nagtataka ang mga kapit bahay kung bakit na nasusunog ang bahay ni Juan. At dali sila nagpatawag ng b.u.mbero para patayin ang apoy. Pero, hindi rin nakaligtas ang buong mag-anak.
Nalaman din sa balita tungkol sa nangyari sa pamilya ni Doris. Humihikbi itong si Lumen dahil nalungkot siya sa pagpanaw ng kanyang kapatid.
Tinanong ni Lynn si Lumen, "Tiya Lumen, hindi po ba tayo pupunta sa lamay?"
Sagot naman ni Lumen, "Hindi maaari. Matutunton tayo ng mga taong kukuha sa iyo. At next year ka na papasok sa eskwelahan. Ililipat na rin kita ng paaralan. Para sa ganun, hindi nila alam kung nasaan ka magaaral. At ang kuwintas na suot-suot mo, huwag mong tatangalin. Yan ang
magproprotekta sa iyo."
Sangayon naman ni Lynn, "Opo, Tiya Lumen. Tutulong na rin ako sa inyo dito sa mga gawaing bahay. Papangako ko po na hindi po ako magiging pabigat."
Niyakap ni Lumen si Lynn, "Anak, napakabuti mong bata. Hindi kapani-paniwala na isa kang Dalaketnon."
...