Dream Slaughters - LightNovelsOnl.com
You're reading novel online at LightNovelsOnl.com. Please use the follow button to get notifications about your favorite novels and its latest chapters so you can come back anytime and won't miss anything.
"He's not sleeping... right?" Naalala ko ang sinabi niya nung isang araw. Namamatay sila kapag natutulog sila.
"Fotunately, yes. He's wide awake even now," sabi ni Aries. "But this night will be the hardest. He has fever because of pain. If this continues he will die."
"Then we must take him to a doctor!"
"That's useless. He got the wounds from the real world. Whatever you do he will not heal. Just let the time close it for him."
Umupo si Aries sa tabi ko. Halata sa mukha niya ang pagkamuhi sa sarili. Mukhang sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Apprentice. The dream slaughter breaths are fast as if he's trying to catch any of it. You can see the struggle he's feeling. Alam ko na masakit ang masugatan kaya walang duda na naghihirap siya.
"What happened to you guys?" I asked Aries.
"We're attacked by a witch..." He replied.
"A witch?"
"Apparently, that witch did something illegal. She attacked him as he tried to save you," Aries answered.
"So... It's my fault..." I am the reason.
"Don't blame yourself. It's his decision to save you not you. This guy is an idiot from the start," Aries snarled.
"Who are you calling an idiot, idiot?"
Napatingin kami kay Apprentice. He removed the sheets we covered above him. It looks like he's trying to stand up.
"Anong ginagawa mo? Hindi pa maayos ang lagay mo!" Sigaw ni Aries sa kanya.
"Take it easy, Aries. I just need to stand up..." Dahan dahang umupo si Apprentice. Kita sa mukha niya ang sakit sa tuwing iginagalaw ang sugatan na katawan.
"Apprentice, you should lie down. Puno ka ng sugat kaya dapat magpahinga ka," I told him.
"Aurora..." Ngumiti ang mga mata niya ng makita ako. "Thank goodness you are safe."
"Oo, ligtas ako kaya magpahinga ka na," I forced him to lie down.
"No, we have to escape here," He finally said.
Nagulat kami ni Aries nang makita siyang nakatayo. Ginamit pa niyang suporta ang balikat ni Aries para makatayo ng maayos. Kitang kita ang panginginig at pangangatog ng buong katawan niya.
"We must go..." Natumba siya. Mabuti na lang at nasalo siya ni Aries.
"You must be my owner but now you will follow my orders!" Bulyaw ni Aries.
"Shut up!" Sigaw pabalik ni Apprentice. "You already know the reason why I came back. I don't want to waste your sacrifice because I'm weak!"
Tumayo siya uli. Tinignan niya ako na may matibay na determinasyon. Napailing na lang si Aries na nagsalita gamit ang sarili lingwahe at lumabas sa may terrace. Dahan dahan siyang nag-ibang anyo bago tumalon. Lumabas ang mapupulang pakpak mula sa kanyang likod, naging matulis ang mga kuko, at isang buntot ang lumabas. Wala pang isang minuto pumapagaspas na siya sa labas.
"Aurora let's go," sabi ni Apprentice sa akin.
"But-"
"Please... let this uncrowned prince save you even once..."
Wala na akong nagawa pa. Tinulungan ko siyang makakyat sa likod ng dragon. Sumakay na rin ako. Lumipad na paitaas ang dragon. Nasa himpapawid na kami nang mapansin ko ang iilang mga maskuladong lalaki na sinusunog ang paligid ng torre. Nagulat ako sa nakita.
"Anong ginagawa nila? Bakit nila sinusunog ang bahay ko?" Sigaw ko.
"Aries, faster..." Sabi ni Apprentice.
Umiiyak ako habang lumilipad palayo ang dragon. Ilang taon rin akong nanatili sa lugar na iyan. Naiwan ko rin si Apollo sa loob. Ano ba ang panaginip na ito? Isa ba itong bangungot?
"Tsk. Mukhang sinunog din nila ang bayan," sabi ni Apprentice.
Napalingon ako sa kabilang direksyon. Nakita ko ang maitim na usok na galing sa mga bahay na nasusunog. Lumipad si Aries sa itaas para maiwasan ang apoy at ang usok na mabilis k.u.malat.
"Lagot sa akin ang mangkukulam na iyon."
Ngayon ko lang nakitang galit nag galit si Apprentice. Tinignan ko ang nasusunog na bayan sa baba. Sa naaalala ko dito kami naglaro ng buong araw nung pista. We created all our beautiful memories. Ngayon, nasusunog ito na para bang wala lang. Pinagmasdan ko ang fountain na kung saan kami nag-usap. Isang kulay itim na bagay ang nakikita kong nakatayo doon. May hawak itong sibat-
"Aries!" Sigaw ko.
Pero huli na ang lahat. Natamaan ang malambot na tiyan ng dragon na naging dahilan ng pagkakahulog namin. Tumira pa ng ilang sibat ang nilalang na tumama sa ilang parte ng katawan naming tatlo. b.u.magsak kami sa isa sa mga umaapoy na bahay. Dahil kay Aries hindi kami tuluyang nasaktan. Pero nanganganib ang buhay ng dragon.
Napagulong kami ni Apprentice sa lupa. Ramdam ko ang sakit sa mga natamaang kasukasuhan. Napapulupot ako sa sakit. Sinubukan kong tumayo. Nakita ko na parating na ang mga maiitim na bagay na iyon. Nakita ko si Apprentice na nakahiga di malayo sa akin. Gumapang ako papunta sa kanya.
"Apprentice... parating na sila," sabi ko.
"Tum...akbo.. ka na... Au...ro...ra..." sabi niya na hinawakan ang kamay ko. Narinig kong nagsalita siya gamit ang isang linggwahe. Nagliwanag ako bigla. Isang mainit na pakiramdam ang k.u.malat sa katawan ko. Ang mga sugat na natamo ko ay isisang gumagaling.
"Anong ginagawa mo...?" Tanong ko.
"Tumakbo ka na... Iligtas mo ang sarili mo..."
"Hindi kita iiwan rito..." Iyak ko.
"Aurora... run..."
"Hindi..."
"I said RUN!"
Sinigawan niya ako. Umiling ako. Pero tama siya. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Mawawalan ng dahilan ang sakripisyong ginawa niya kung mamamatay ako. Itinaas niya ang braso niya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"Please... Aurora... save yourself..."
"Yes..." Tumayo na ako. Nakita kong parating na ang mga itim na nilalang. "I will come back to save you. I promise!"
Tumakbo ako papunta sa kalapit na gubat. Hindi na ako lumingon. Narinig ko ang ginaw.a.n.g ugong ng dragon na tila namamatay na. Narinig ko rin ang sigaw ng isang lalaki na tila sinasaksak. Tumakbo ako ng tumakbo sa hanggang di ko na maramdaman ang sarili kong mga binti.
"Please..."
Nadapa ako. Napadausdos ako sa lupa. Naging dahilan ito para b.u.mukas ang mga bagong sugat sa katawan ko.
"I need to run..."
Nakita kong may mga aninong tumatakbo sa likod ko. Mukhang maaabutan na nila ako. I gathered my feet and started running again. Natandaan ko nung unang pagkakataon na nakalabas ako sa kastilyo. Ganito rin ang nangyari. Tumatakbo ako sa pagitan ng mga puno habang umiiyak. Pero ang pagkakaiba lang ay wala ng isang lalaking magliligtas sa akin.
Nadapa na naman ako. Pero sa pagkakataong ito hindi na ako nakatayo. Masyado nang masakit pa para tumayo.
"Anong gagawin ko..."
Nakita kong parating na sila. Nararamdaman ko na ang mga prisensiya nila. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Sa isang iglap, isang kamay ang humablot sa akin paitaas samantalang isang kamay ang tumabon sa bibig ko.